SINABI ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malalaman sa Nobyembre kung tuluyan nang kakalas ang Pilipinas sa pakikipag-alyansa sa United States (US).
Ito’y matapos tanungin ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon si Lorenzana kung tuloy pa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) at ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Idinagdag ni Lorenzana na nakatakdang magpulong ang Gabinete sa susunod na buwan.
“Mr. Chairman, I specifically asked for guidance from the President on that. I asked him to give guidance on the VFA, the US troops in Mindanao, the exercises next year and the Edca and he told me to present this during a Cabinet meeting next month, I think November 4 or 7,” sabi ni Lorenzana matapos humarap sa Senado.
Nauna nang ipinag-utos ni Duterte ang pag-alis ng mga tropa ng Amerika sa Mindanao.
Iniutos din ni Duterte na ihinto na ang isinasagawang Balikatan sa pagitan ng Pilipinas at US.
“So we’re actually preparing this presentation because he said I will need the inputs of the Cabinet to make a decision. So as of now, Sir, there’s no decision to suspend… Edca is still on, the VFA is still on…” ayon pa kay Lorenzana.
Kasabay nito, inamin ni Lorenzana na hindi niya batid kung bakit kailangang itigil ang Balikatan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa kabila na kapwa nagbebenepisyo ang dalawang bansa.
“Mr. Chairman, I really don’t know because the President has been issuing this statement without first consulting the Cabinet,” sabi ni Lorenzana.