SA WAKAS, mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang award-winning movie na “Mulat (Awaken)” na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Loren Burgos at Ryan Eigenmann sa panulat at sa direksyon ni Diane Ventura.
Dito nanalo ng dalawang best actor trophy si Jake, sa International Film Festival Manhattan 2015 kung saan nagwagi ring Best Director si Dian Ventura (for Global Feature), at sa World Cinema Festival sa Brazil.
Isang psychological thriller-drama ang “Mulat” na may pagka-mystery and suspense dahil nga sa mga karakter nina Jake at Lauren, idagdag pa ang nakakabaliw na role ni Ryan Eigenmann sa kuwento na pang-award din ang ipinakitang performance. Mula simula raw ng pelikula ay puro highlights na, kaya lalong masa-shock ang manonood kapag ni-reveal na ang big twist sa ending.
Sa presscon ng “Mulat” kahapon, ikinuwento nina Jake at Loren ang hirap na dinanas nila sa mga eksenang ginawa nila sa movie, lalo na ang kanilang mga love scene, na approved naman without cuts sa MTRCB. At dahil nga sa ganda at kalibre ng pelikula, binigyan din sila ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.
“Proud ako sa pelikulang ito, hindi lang dahil dalawang best actor ang napanalunan ko rito, pero dahil sa ganda ng pagkakagawa ni direk Diane. Isa ito sa maipagmamalaki kong pelikula hanggang sa tumanda ako. This is really different sa past movies ko. Kaya sana suportahan n’yong lahat.”
Para naman kay Loren Burgos, hindi siya nagsisisi sa ginawa niyang paghuhubad sa movie, sulit na sulit daw ang ibinigay niyang pagod at effort sa proyektong ito, “Nakaka-sira ulo, nakakabaliw yung tema ng pelikula. Pero feeling ko, marami pa ring makaka-relate sa kuwento lalo na yung mga torn between two lovers diyan at hirap na hirap na sa kanilang lovelife.”
Ibabandera sa pelikula ang mga napapanahong isyu sa lipunan tulad ng rape, pang-aabuso, sekswalidad at ang pagiging psycho. At alam n’yo ba na na-X rated sa MTRCB ang unang trailer ng “Mulat” kaya gumawa uli ang producer ng bagong trailer para maipalabas ito sa mga commercial theaters.
Kasama rin sa “Mulat” sina Candy Pangilinan, Issa Litton, Jen Rosales, Logan Goodchild, Rolando Inocencio, Madeleine Nicolas at marami pang iba. This is produced by Day Herrera Cabahut and distributed by Solar Films, showing on Nov. 2. Magkakaroon din ito ng gala premiere on Oct. 27 sa SM Megamall.