Landian nina Dingdong at Andrea sa Robin Hood aprubado ni Marian

andrea torres at dingdong dantes

MARAMING natutuwa at naaaliw sa mga eksena nina Dingdong Dantes at Andrea Torres sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood.

Ayon sa mga netizen na nakatutok gabi-gabi sa nasabing primetime series ng Siyete, nakakadagdag excitement ang mga mapanukso at bitin-bitinang landian nina Dingdong at Andrea.

Sabi ng isang avid follower ng Alyas Robin Hood, “Sana damihan pa ang mga kakalokang eksena nina Dingdong at Andrea dahil maganda ang chemistry ng dalawa. Bagay sila actually, may lib***g factor!”

In fairness, wala naman kaming nababalitaan na nagseselos ang misis ni Dingdong na si Marian Rivera kay Andrea at sa isa pang leading lady ng Kapuso Primetime King na si Megan Young.

Sa pagkakaalam namin, parehong malapit si Yanyan sa dalawang Kapuso actress kaya walang selos factor on Marian’s part. Tsaka alam naman ng lahat na dyowa na ni Megan si Mikael Daez at malapit naman sa isa’t isa sina Andrea at Sef Cadayona.

Samantala, narito ang kailangan n’yong tutukan sa Alyas Robin Hood tonight: Sa phone call, gustong malaman ni Sarri (Megan) kung sino talaga ang lalaking kausap niya. Gustong magpasalamat ng dalaga kay Pepe (Dingdong).

Pero ang sabi ng binata, pakisabi na lang daw sa kuya ng dalaga na si Daniel (Paolo Contis) na maniwala sa kanyang lead. Sigurado na si Pepe na ang bahay na kanilang napuntahan ay ang lugar kung saan itinatago ang ninakaw na mgq baby.

Na-realize naman nina Pepe at Venus (Andrea) na ang nakuha nilang timed plastic card na may countdown pa, ay isang high-tech invitation para sa isang party sa House of Aglaea. Ang party na ito ay para lang sa rich and powerful. Inalam nina Pepe at Venus kung ano ang password para makadalo sila sa event. “Live forever” ang password nito.

May pakana sina Dean (Sid Lucero) para mahuli na kung sino ang blogger ng “The Dog Eye” na umiidolo kay Robin Hood. Nalaman ito nina Julian (Dave Bornea), Lizzy (Lindsay de Vera), at Rex (Prince Villanueva). Si Rex ang pinagpanggap nilang blogger. During the recognition event, bigla na lang may kumidnap kay Rex. Shocked sina Julian at Lizzy.

Nalaman na rin nina Pepe at Venus kung saan ang event at isa itong masquerade party. Todo bihis at lagay ng maskara ang dalawa, pero nang sila ay nagsimula nang pumasok sa warehouse, agad na nag-error ang kanilang invitation. Nagduda ang mga security guard.

Read more...