BUMESO at yumakap sa amin si Benjie Paras nu’ng makita niya kami sa studio ng Sunday PinaSaya last Sunday. Guest si Benjie sa Sunday afternoon variety show ng GMA kung saan regular artist ang anak niyang si Andrei Paras.
Nag-promote si Benjie ng bagong show niya titled TROPS produced by APT Entertainment na ipalalabas bago mag-Eat Bulaga. Kasama ni Benjie na nag-promote sa ang co-star niya sa programa na si Ina Raymundo.
This prompted us to ask one of the executives of APT Entertainment to whatever happened sa diumano’y show na gagawin ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanila. Nabalita kasi na ilalagay ang show ni Kris as pre-programming ng Eat Bulaga.
Kaugnay nito, may kumakalat din na balitang hindi na tuloy ang show ni Kris sa GMA at ang ending, babalik na lang daw ang TV host sa ABS-CBN.
Ayon sa aming source, pwede naman daw gumawa ng show si Kris sa ABS-CBN dahil wala naman siyang kontrata sa GMA. Management contract sa Triple A (talent management ni Tony Tuviera) lang daw ang pinirmahan ni Kris kaya pwede siyang gumawa ng show sa kahit saang TV station.
Meaning, walang problema kung muling magkaroon ng show si Kris sa Kapamilya network.
Then we asked him again kung ano ang gagawin sa nai-tape na raw na episode ni Kris para sa bagong show niya sa Kapuso station, ang sagot, wala pa raw naganap na taping si Kris for a new show.
Nilinaw naman ng isa pa naming source na hindi sa taping ni Kris ang mga larawan na lumabas sa social media. Nakipag-meeting lang daw noon ang TV host. Matagal na raw nilang binuo ang TROPS at talagang para sa timeslot bago mag-Eat Bulaga nakalaan ang bagong show ng APT.
Grabe naman ang binubuhos na effort ng mga artista, staff at crew sa pagpapalabas ng Sunday PinaSaya na under din sa APT. Hindi lang live ang skit nila, “live” din pati ang set nila, huh! Set-up, baklas kada skit sa show. Sobrang effort talaga para mapaganda ang stage.
Happy naman ang isa sa regular host ng SP na si Alden Richards at ibinalik na ang Kalyeserye nila ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga. Bago mawala sa EB ang Kalyeserye, nabalita na magkakaroon na raw ng teleserye sa primetime ng GMA ang AlDub.
At ang balita pa, ang magiging titulo raw ng serye ay Pambansang Bae. Nagulat at nagtaka naman si Alden nu’ng tinanong namin siya tungkol sa Pambansang Bae series.
Wala raw siyang alam tungkol dito. But of course, welcome daw sa kanya ang idea na magkaroon sila ng teleserye ni Maine sa primetime ng GMA.