Napakalaki ng tiwala ng mga Pinoy sa Amerika pero wala itong tiwala sa China, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Lumabas ang survey habang si Pangulong Duterte ay patungo sa China.
Ayon sa Third Quarter survey na tinanong ang mga respondents kung ano ang lebel ng tiwala nito sa iba’t ibang bansa.
Ang Amerika ay binigyan ng mga Pilipino ng 76 porsyentong may tiwala, 11 porsyentong walang tiwala at 13 porsyentong undecided o net rating na 66 porsyento.
Sumunod naman ang Australia na binigyan ng 47 porsyentong net trust rating (62 porsyentong tiwala, 15 porsyentong walang tiwala at 21 porsyentong undecided).
Ang Japan naman ay nakakuha ng 34 porsyentong net rating (56 porsyentong tiwala, 21 porsyentong walang tiwala at 22 porsyentong undecided).
Ang Norway naman ay may 41 porsyentong tiwala, 25 porsyentong walang tiwala, 31 porsyentong undecided o net rating na 16 porsyento.
Ang The Netherlands naman ay may 14 porsyentong net rating— 40 porsyentong tiwala, 25 porsyentong walang tiwala at 31 porsyentong undecided.
Ang Taiwan naman ay may 3 porsyentong net rating— 36 porsyentong may tiwala, 34 porsyentong walang tiwala at 29 porsyentong undecided.
Nakakuha naman ang China ng -33 net rating— 22 porsyentong tiwala, 55 porsyentong walang tiwala at 22 porsyentong undecided.
Ang survey ay ginawa mula Setyembre 24-27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong plus/minus error of margin.
MOST READ
LATEST STORIES