Lawin posibleng maging super typhoon | Bandera

Lawin posibleng maging super typhoon

Leifbilly Begas - October 18, 2016 - 05:12 PM
pagasa Lalo pang lalakas at posibleng maging isang super typhoon ang bagyong Lawin, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.      Pinaghahanda na ng PAGASA ang mga residente sa hilagang bahagi ng Luzon sa pag-landfall ng bagyo sa Cagayan Area sa Huwebes. Tatawid ito sa Apayao at Ilocos Norte bago muling bumalik sa karagatan.       Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon, lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes.      Nagbabala rin ang PAGASA sa mga maglalayag na magiging malalaki ang mga alon.      Kahapon ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 230 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.      Ngayong umaga (Miyerkules) ang bagyo ay tinatayang nasa layong 540 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.      Itinaas kahapon ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal sa Cagayan kasama ang Calayan group of islands, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, hilagang bahagi ng Aurora, Polillo Islands at Catanduanes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending