‘Lawin’ posibleng maging super typhoon

LALO pang lalakas at posibleng maging isang super typhoon ang bagyong Lawin, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Dahil dito, pinaghahanda na ng Pagasa ang mga residente sa hilagang bahagi ng Luzon sa pag-landfall ng bagyo sa Cagayan area sa Huwebes. Tatawid ito sa Apayao at Ilocos Norte bago muling bumalik sa karagatan.
Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon, lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes.
Nagbabala rin ang Pagasa sa mga maglalayag na magiging malalaki ang mga alon.
Sa taya ng panahon Miyerkules ng umaga, ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 230 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.
Itinaas na rin ng Pagasa ang Tropical Cyclone Warning Signal sa Cagayan kasama ang Calayan group of islands, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, hilagang bahagi ng Aurora, Polillo Islands at Catanduanes.

Read more...