Tatandang dalaga na lang ba habang buhay?

Sulat mula kay Joanne  ng Sitio Dacudao,  Agdao, Davao City
Dear Sir Greenfield,
May trabaho naman po ako at wala naman akong gaanong problema sa career. Ako ay isang accountant sa isang private firm dito sa Agdao. Ang problema kop o ay tungkol sa love life. 41 na kasi ako sa ngayon, September 25, 1975 ang birthday ko, until now hindi pa din ako nagkaka-boyfriend. May mga manliligaw naman ako kaya lang wala naman sa kanilang seryoso at iyong iba naman ay may mga asawa na. Nais ko sanang malaman kung sa edad ko po bang ito ay makapag-aasawa pa kaya ako o habang buhay na akong tatandang dalaga na wag naman po sanang mangyari? Kung makapag-aasawa pa ako Sir kailan kaya darating ang lalaking mapapangasawa ko at magiging maligaya kaya ang pag-aasawa na papasukin ko?
Umaasa,
Joanne ng Agdao, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Oo nga’t medyo napalayo ang kaisa-isa at malinaw naman na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa Heart Line (arrow 2.) sa iyong palad, na ngangahulugang makapag-aasawa ka pa rin kahit na nga ba lagpas 40 na ang iyong edad. Kaya nga kahit na lagpas 40 na ang iyong edad hindi ka dapat kabahan na baka ikaw ay tumandang dalaga habang buhay dahil hindi mangyayari iyon.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Eight of Hearts, at Jack of Clubs, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking medyo guwapo na kayumanggi ang kulay na kasing edad mo rin, na binata ang darating sa susunod na taong 2017 sa buwan ng Agosto. Kung saan, ang lalaking ito ay mabait at responsable na pagsapit ng 2018, sa edad mong 43 pataas, malamang na yayain ka ng pakasal at gawin kang reyna ng tahanan, sa isang simple pero masayang pamilya na inyong pagsasaluhan.
Itutuloy….

Read more...