Horoscope, October 18, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Wag intindihin ang iniisip ng iba ang mas mahalaga maipatupad ang sarili mong kagustuhan. Sa malayang papapasya yayaman ka. Sa pag-ibig, kung ikaw lang ang masusunod noon ka pa sana naging maligaya. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Bukod sa pink at red ang buenas
Aries – (Marso 21-April 19)—Mali ang ginawa mong pagtanggi, paano kung dumating ang panahong ikaw naman ang mangailangan at pagkatapos ikaw naman ang tanggihan? Sa anomang ginagawa panatiliing bukas ang palad, upang lalo kang pagpalain ni Lord. Mapalad ang 3, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Lilac at gray ang buenas
Taurus – (April 20-May 20)—Bago simulan ang anomang trabaho, humigop muna ng mainit na sabaw, sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong pakiramdam. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong katawan. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ngayong malapit na ang pasko wag umasa sa mga kamag-anak. Magsikap kang mag-isa mo upang makaipon ng maraming pera at pang-regalo. Sa pag-ibig kumibinsehin ang kasuyo na magtipid upang mas madali kayong umunlad at yumaman. Mapalad ang 5, 9, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam.” Pink at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kaya hindi ka yumayaman, kulang ka sa lakas ng loob! Kapag malakas na ang iyong loob, makikita mo magsisimula ka ng umasenso. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyong Capricorn, na magpayaman din. Mapalad ang 5, 14, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Green at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Ngayong panahong malapit na ang kapaskuhan, magkakapera ka ng malaking halaga, basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Aquarius. Sa pag-ibig, bukod sa Aquarius ka-compatible mo rin ang isang Aries at Sagittarius. Mapalad ang 1, 13, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya- Minna-Galla-Om”. Yellow at peach ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Tanungin ang sarili: “Ano ba ang higit na mahalaga, ang lipunan o ang pamilya?” Pamilya ang dapat na mauna, upang habang buhay kang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Tuloy-tuloy ang pasok ng salapi, habang abala ang lahat sa nalalapit na “araw ng mga patay.” Sa pag-ibig, na sa iyo ang pagkukulang kaya hindi masarap ang romansa – galingan mo naman! Mapalad ang 6, 15, 27, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi ka na nadala, bakit nakikipag transaksyon ka na naman sa mga walang kuwentang tao? Umiwas sa mga masasama. Sa pag-ibig, upang hindi mapahamak wag ng pumatol pa sa iba, pagtiyagaan ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Ujalam-Avayara-Om.” Green at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, kailangang mapaligaya mo ang iyong sarili kahit na malayo ang minamahal. Sa pinansyal, kailangang makaisip ka ng dagdag pang pagkakaperahan, upang hindi ka na laging nangungutang. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sharin-Shara-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kahit inaapi ka, walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Makikita mo, kapag mayamang-mayaman ka na, hindi ka na nila kayang apihin. Sa panahong mayaman ka na, iwasan mo namang mang-api ng kapwa. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, ang maligayang pakikipag-relasyon ay ipagkakaloob din sa iyo sa pamamagitan ng walang sawang pagdaral ng nobena sa simbahan ng Quiapo, o kahit saang bahay dalanginan. Mapalad ang 4, 13, 33, 40, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ask and it will be given to you; seek and you will find.” Orange at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kung hindi matututong magpakatuso paano ka tatabo ng malaking halaga? Sa pag-ibig, kumbinsehan ang kasuyo na mag-open kayo ng joint account sa isang kooperatiba o kaya’y sa isang trust fund upang mas madaling mapalago ang naipong pera. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” White at maroon ang buenas.

Read more...