EVERYONE is talking except the main subjects – Gretchen and Claudine Barretto.
Sila ang mga pangunahing bida sa kontrobersiyang kinasasangkutan nilang mag-anak.
Kakaibang awayan, kakaibang bangayan.
Walang ipinagkaiba sa ating mga maralita maliban sa ang ginagamit nilang medium – English, pero kung tutuusin ay mas masahol pa sa ating mga mahihirap.
Daig pa ang mga taga-squatter actually.
No offense meant sa mga taga-squatter, it’s just that they’re referred as such.Puwede naman tayong maging mahirap pero behaved, di ba?
You don’t even have to have a college diploma para maging decent.
It’s innate – depende rin sa pagpapalaki actually ng mga magulang natin – depende sa pagtanggap natin sa buhay.
I am not saying that the Barretto children were not brought up well by their parents, puwedeng the parents tried to be the best that they can be kaya lang may mga bata talagang mahirap sumunod.
Nagkataon lang na celebrities sila – sikat, pero hindi masyadong masunurin sa mga magulang.
Maaaring ganoon.
Noong una ay sina Claudine lang at Gretchen ang nagbabangayan.
Afterwards ay nagkaayos na sila.
As in, akala namin ay bating-bati na.
Hanggang sa nanahimik sila and all of a sudden, here is a mom scorned – si Mommy Inday Barretto ay nagalit at nagpakawala ng maraming salita against her very own daughter.
She obviously did it to protect Claudine pero putting down Gretchen.
Nagulat ang buong mundo – everyone got scared for them.
Kasi nga, nakasanayan nating ang mga magulang natin ang peacemakers ng mga pamilya natin.
Hindi sila tagagatong – but theirs is different.
Parang punumpuno na si Mommy Inday kaya niya nagawang siraan si Gretchen para maiangat si Claudine.
The next day ay naglabas naman ng side niya si Joaquin, the 51 year-old son of Ms. Inday.
Kumampi ito kay Gretchen at pinamukha sa nanay nila ang kanyang mga pagkukulang bilang ina.
Na si Gretchen daw ang nagsakripisyo para mabuhay lang silang mag-anak.
It made the issue more complicated.
Instead na maisalba ang isyu, lalong lumala.
The very next day naman ay naglabas naman ng saloobin ang isa pa nilang sister na si Gia.
Kumampi naman ito kay Mommy Inday and Claudine.
The more na nagulo ang buhay nila. Nahati talaga silang mag-anak.
Pero Inglesan pa rin sila nang Inglesan.
Now, the problem got worse.
As in. Mas mahirap ngayong pag-ayusin ang mag-anak na ito.
Kasi nga, nagsalita na ang lahat maliban kina Claudine and Gretchen.
Instead na pag-ayusin sila ng pamilya nila ay inilayo pa nila ang mga sarili sa isa’t isa.
Balita pang magdedemanda raw si Greta laban sa sariling ina.
Hindi maganda ang balitang ito.
Not even to protect herself.
Kahit anong gawin niya ay sira na siya – hindi siya kakampihan ng taumbayan dahil ina na niya ang kaaway niya.
Kahit sabihin pa niyang mali ang sinabi ng ina niya against her.
Nasabi na ang lahat kaya mahirap na niyang depensahan ang sarili sa public dahil nanay na niya ang kaaway niya!
I don’t know if it’s really late na or what pero naniniwala pa rin akong may naiiwan pang oras para maayos nila ang gusot na ito.
I don’t know how sa ngayon pero for sure ay puwede pa.
“Mas lalo kong minahal ang pamilya ko after watching the Barretto family fight over one another.
Kasi nga, kahit mahirap lang kami, masaya kami.
Kulang man kami sa pinansiyal na aspeto pero hindi mabibili ng kahit magkanong halaga ang saya naming mag-anak,” anang isang kapitbahay namin.
Kami rin. Kahit dumadaan man kami minsan sa maraming pagsubok, hindi naman namin hinayaang pagpistahan kami ng sambayanan. Thank God.