Kailan magkakaroon ng seryosong boyfriend? (2)

Sulat mula kay Adelfa ng Cabantian, Buhangin, Davao City
Problema:
1. Ako ay 27 years old na nitong nakaraang October 13. Nagtataka lang ako sa kapalaran ko kung bakit lagi akong bigo lalo na sa pag-ibig. Marami na akong na-ging boyfriend pero wala namang nagseryoso at nagtagal? Sa ngayon malapit na naman ang Pasko pero wala akong boyfriend.
2. Nais ko pong malaman kung kailan ako muling magkaka-boyfriend at kung sakaling magka-boyfriend na uli ako, hindi kaya ako mabibigo at luluha uli at kahit kaya may nakaraan na ako, papakasalan pa rin kaya ako ng lalaking magiging boyfriend ko? October 13, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Adelfa ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung nabigo ka dati sa mga nakaraang pag-ibig, tiyak na sa susunod na pakikipag-boyfriend hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius, makadadama ka na ng pang habang buhay na ligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 7 o kaya’y 10, ang magiging boyfriend mo sa susunod na taong 2017, na siya na ring magpapadama sa iyo ng isang kumpleto at panghabang buhay na ligaya.
Graphology:
Ngunit bago tuluyang makamit ang tagumpay sa pag-ibig at relasyon, baguhin mo ang iyong lagda. Wag mong pagpatongpatungin ang letrang “A C at S” sa iyong pirma. Paghiwahiwalayin mo ang nasabing mga letra. Sa ganyang lagda, nababasa ang iyong pangalan at mga letra, magkakaroon ka ng tiwala sa iyong sariling kakayahan, hanggang sa bandang huli ang tiwala ding ito sa iyong sarili ang maghahatid sa iyo sa ganap na tagumpay at habangbuhay na kaligayahan.
Huling payo at paalala:
Adelfa kahit sabihin pang marami ka ng naging karansan sa pakikipag-boyfriend wala namang kaugnayan yon sa nakatakdang kapalaran. Ang nakatakda mong kapalaran ay ganito: Sa buwan ding ito ng Oktubre hanggang Nobyembre pagkatapos na pagkatapos ng birthday mo sa edad mong 27 pataas, tiyak ang magaganap, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang iyong makikilala, liligawan ka nya hanggang sa sumapit ang taong 2017, tuluyan mo na siyang sasagutin, hanggang sa kusang mabuo ang isang masarap at pang habang buhay na pag-ibig na hahantong sa isang Masaya at pang habang buhay na ring pagpapamilya.

Read more...