Osang naduwag, biglang dinenay na nagbebenta ng babae sa loob ng bilibid

rosanna roces

MARAMING naloloka sa mga pinaggagagawa ng dating sikat na sexy actress na si Rosanna Roces, siya mismo ang naglantad ng mga ginawa niyang pagdadala ng mga babae nu’n sa Pambansang Piitan, pero ngayon ay todo-todo ang kanyang paghuhugas-kamay.

Umurong na ang kanyang dila, wala raw siyang alam tungkol du’n, kabaligtaran ng mapagyabang pa niyang postura isang linggo pa lang ang nakararaan na hindi raw droga kundi hilaw na karne ang idinedeliber niya sa NBP.

Aba, ngayon ay wala na raw siyang alam tungkol du’n, natakot kaya siya sa kumalat na balita na siya naman ang babalingan ng Kongreso dahil sa kasong human trafficking?

Napakatapang pa niya nu’ng sagutin ang pagkadamay ng kanyang pangalan sa pag-uugnay sa drug lord na nagnga-ngalang Vicente Sy, mga babae raw ang dinadala niya du’n, hindi raw totoong kabit siya ng nakakulong na drug lord.

Ngayon ay nabahag na ang kanyang buntot, wala na siyang kinalaman sa sinasabi niyang pagdadala ng mga babae sa Pambansang Piitan, spell huwad na katapangan!

Read more...