Kris kinampihan si Duterte: Sana magtagumpay siya sa mga plano niya!

kris aquino at duterte

HINDI agree si Kris na tawaging “Dutertards” ang mga netizens na nagtatanggol kay Pangulong President Rodrigo Duterte.

Paliwanag ng Queen Of All Media, “Number one, I resent calling anyone ‘tards.’ Kasi I have a special child, so I’m sensitive to that, even if it’s a term that is being used widely.”

Suportado rin daw niya ang pamamalakad ni Digong sa bansa kahit na marami pa ring kumokontra rito lalo na usaping extra judicial killings at sa walang patumanggang pagmumura nito on national TV.

“This will be a controversial statement, but I’ll make it anyway. I know what it’s like na every move you make, napipintasan ka.

“I know what it’s like sa pinagdaanan ng brother ko, that for a certain segment ng population, walang tama. Pero ngayon, nananahimik siya, di ba? So, I’ll take my cue from that,” sey ni Kris.

Patuloy pa ng TV host, “If my brother is respectful enough to want to give this administration a chance to succeed, why won’t I do the same?

“Siyempre there will be missteps. Hindi naman lahat kakampi mo. Pero ako, gusto ko na mag-succeed,” aniya pa kasabay ng pagsasabing ang pinakagusto raw niyang plano ni Duterte ay ang pagpapalawig sa health care ng mga Pinoy at ang pagbaba ng estate tax.

 

Read more...