Pinagtibay ng Sandiganbayan Special Third Division ang hatol na guilty laban kay dating Sarangani Gov. Miguel Escobar sa kasong malversation.
Sa botong 3-2, pinagtibay ang naunang desisyon ng korte na humatol ng 10 hanggang 18 taong pagkakakulong kay Escobar at dating provincial agriculture officer Romeo S. Miole.
Ayon sa desisyon, guilty ang dalawa sa pagbibigay ng mga relief goods sa kanilang mga political supporter sa halip na ipamahagi ito sa mga nasalanta ng baha noong 2001.
Ang kaso ay nag-ugat sa ulat ng Commission on Audit na nagsabi na hindi nakarating sa mga nasalanta ang 1,875 sako ng bigas 240 sako ng hybrid na mais na tulong sa mga magsasaka upang makapagtanim muli.
Bukod dito ang grain delivery contract ay ibinigay din umano sa isang kompanya na hindi credited ng National Food Authority at hindi umano matukoy kung saan itinanim ang mga mais.
Sa kanyang mosyon, sinabi ni Escobar na nalaman lamang niya ang iregularidad ng sabihan siya ng lider ng isang tribo na nasalanta ng baha na wala silang natanggap na bigas.
Ayon sa korte wala silang nakitang aksyon na ginawa ni Escobar upang itama ang pagkakamali.
“Escobar…is no less guilty because a project involving 1,875 sacks of rice that took place in his province and which he was duty-bound to supervise should not have escaped his attention. It would even be considered as an admission of his negligence because even after learning of the distribution of the sacks of rice, he did not do anything,” saad ng desisyon.
MOST READ
LATEST STORIES