86 hikers stranded sa isang bundok sa Bataan, 56 nailigtas

mariveles

NAILIGTAS ng mga rescue worker ang 56 sa 86 na mountaineers na stranded sa Mt. Tarak sa Mariveles, Bataan, kahapon, matapos naman ang malalakas na ulan bunsod ng bagyong Karen, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Mariveles police chief Supt. Crizalde Conde na nagsimulang umakyat ng bundok ang mga hikers noong Sabdo.

“The mountaineers were advised to descend immediately. There are still 30 of them left on the mountain but are now headed down,” sabi ni Conde.
Idinagdag ni Conde na karamihan sa mga mountaineers ay galing Maynila at Cavite.
Sinabi pa ni Conde na kabilang sa mga rescue team ang 50 pulis at miyembro ng army, na nasa paanan ng bundok para salubungin ang mga mountaineers.

Read more...