Bagyong Karen out, mas malakas na Lawin papasok

pagasa
Inaasahang lalabas na ngayong araw ang Bagyong Karen matapos ang pananalasa nito sa Luzon.
     Pero isang mas malakas na bagyo na tatawaging Lawin ang papasok sa Philippine Area of Responsibility.
     Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nag-landfall sa Baler, Aurora at lumabas sa Pangasinan at patuloy na tinatahak ang direksyon palabas ng bansa.
     Kahapon ng umaga mata ng bagyong Karen ay was Bolinao, Pangasinan. Mayroon itong hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 200 kilometro bawat oras.
     Umuusad ito sa bilis na 22 kilometro bawat oras. Ngayong umaga inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 580 sa kanluran-hilagang kanluran ng Iba Zambales o nasa labas na ng PAR.
     Samantala, binabantayan naman ng PAGASA ang bagyong Lawin na may international name na Haima.
     Ito ay inaasahang papasok sa PAR ngayong araw. Kahapon ay nasa layong 1,615 kilometro ito sa silangan ng Visayas.

Read more...