NAGBIGAY ng update si Robin Padilla tungkol sa pagbubuntis ni Mariel Rodriguez na nasa Amerika na nga ngayon bilang paghahanda sa kanyang panganganak.
Sa darating na November ang due date ng TV host-actress at umaasa pa rin daw si Binoe na mabibigyan siya gn US visa para maalagaan ang asawa at makasama nito sa oras na isilang na ang panganay nila.
Pero sey ni Binoe, kung sakaling hindi man siya makasunod sa US, naniniwala siyang aalagaang mabuti ng kanyang pamilya si Mariel.
“Okay siya doon kasi nandoon ang tatay niya, nandoon ang auntie niya, walang problema pagdating sa usapin kung saan siya nakatira. Spoiled nga siya binigyan siya ng malaking, malaking kwarto,” pahayag ni Robin sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa ng aktor, patuloy lang niyang ipinagdarasal na maging maayos ang kundisyon ni Mariel hanggang sa makapanganak ito. Tripleng pag-iingat ang ginagawa ngayon ng TV host para hindi na maulit ang nangyari noon (nalaglag) sa dapat sana’y kambal nilang baby.