Anne: Posible akong ma-in love sa bading!

anne curtis

INAMIN ni Anne Curtis na posibleng ma-in love siya sa isang beki dahil naniniwala siya na ang pag-ibig ay walang pinipiling gender.

Si Anne ang bida sa bagong romantic-comedy gay movie na “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” kasama sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros at natanong nga siya sa Tonight With Boy Abunda kung na-in love na ba siya sa isang bading.

“I haven’t fallen in love (sa beki). Pero ang totoo kasi, madami na talagang guwapo ang may boyfriend so hindi lalayo na maa-attract ako. Iyong hair stylist ko, guwapo iyon. Pero siyempre, he has a boyfriend. Ang dami talaga. So it’s more of I’m attracted pero hindi pa ako nai-in love.”

Kung sakaling ma-discover naman niya na bading ang kanyang boyfriend, feeling ni Anne, mabilis siyang makaka-move on, tatanggapin na lang daw niya ang katotohanan at kung papayag ang guy, gusto niyang maging magkaibigan pa rin sila.

Showing na sa Oct. 19 ang “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?” directed by Jun Lana under Viva Films.

Read more...