Tiket sa PBA Finals pahirapan dahil sa Barangay Ginebra

mark caguioa at la tenorio

KUNG dati’y walang kahirap-hirap ang pagbili ng ticket sa PBA, ngayon ay matinding dusa naman ang pagdadaanan mo bago ka makakuha, may mabili ka man ay hindi pa rin puwestong gusto mo ang makukuha mo.

Bihira lang mangyari ang ganyang senaryo sa PBA, kapag nakakapasok lang sa finals ang Barangay Ginebra, ang tinaguriang Pambansang Koponan ng mga Pinoy.

Tulad ngayong nag-aagawan sila ng Meralco Bolts sa kampeonato ng Governors’ Cup, napakahirap makakuha ng ticket sa kanilang salpukan, kalalabas pa lang ng tikcets online ay halos ubos na agad.

Mamamayang gabi ay muli silang magduduop para sa Game 5, 2-2 na ang kanilang kartada ngayon, matira ang matibay sa dalawang teams ang nangyayari ngayon dahil tuwing naglalaban sila ay talaga namang nerbiyos ang inaabot ng kanilang mga tagasuporta.

Tanggap ng lahat ng PBA teams na mahirap kalaban ang Barangay Ginebra dahil sa matinding suportang ibinibigay sa kanila ng ating mga kababayan.

Rockstar ang turing sa mga Ginebra players, may kani-kanyang grupo ng mga tagahanga sina LA Tenorio, Japhet Aguilar, Scottie Thompson, JJ Helterbrand, Mark Caguioa, Greg Slaughter, Sol Mercado, Jervey Cruz, Joe Devance, Chris Ellis, Dave Marcelo, Nico Salva, Franklin Bonifacio, Dennice Villamor at ang import na si Justin Brownlee.

Ang palagi naming sigaw nina Japs Gersin at Tina Roa, go, go, go, Barangay Ginebra, never say die!

Read more...