3 Sikat na aktres bagong ‘Charlie’s Angels’ ng showbiz; takot malaos

BLIND ITEM  FEMALE 0318

HMMMM, nag-volt in na nga ba ang tatlong magaganda, magagaling at nagseseksihang aktres ng isang TV network para hindi na basta-basta makaeksena ang mga “younger and fresher” batch of leading ladies na tila nagiging paborito rin daw ngayon ng istasyon pagdating sa bonggang serye at movie?

Ang tatlong aktres na kapwa mga award-winning, who are still on top of their games are reported to have combined forces (and money) dahil plano nga nilang mag-co-produce ng mga projects (movies, TV specials, concerts, shows abroad etcetera) para ma-ensure na lagi silang nasa mainstream at top billing.

Medyo naalarma na raw kasi ang mga ito sa patuloy na pagdami ng mga new talent sa kanilang network, plus dumaraming mga transferees na sobrang baba pa ng budget at exposure and yet, nakaka-hit ng jackpot sa takilya o sa ratings.

Hmmmm, sila na nga kaya ang bagong “Charlie’s Angels” ng showbiz? Ha-hahahaha!

Read more...