Kinumpirma ng PNP crime lab: Krista Miller buntis nang maaresto sa drug bust

krista miller
NAGPAPASALAMAT sa Diyos ang sexy star na si Krista Miller dahil maayos ang kundisyon ng kanyang ipinagbubuntis sa kabila ng ilang araw niyang pananatili sa kulungan.

Nagpa-check up na si Krista sa crime laboratory ng Quezon City Police District at base sa resulta ng kanyang psysical examination, malusog naman daw ang sanggol na kanyang dinadala.

Ayon sa ulat, bukod sa ipinagbubuntis ni Krista, na nakulong dahil nga sa involvement nito sa ilegal na droga, meron pa siyang 5-month old na anak na nasa pangangalaga ngayon ng kanyang ina.

“Although nandiyan yung parents ko to take care of him, pero iba pa rin yung… Wala na nga siyang daddy, di ba, ‘tapos wala pa yung mommy niya. Parang ang hirap,” pahayag ng sexy star sa panayam ng 24 Oras.

Ayon pa kay Krista, desidido na siyang magbagong-buhay alang-alang sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

“Sana bigyan ako ng pintuan ni Lord para makalabas dito. Ang hirap. Single mom na nga ako tapos ganyan pa. Yung pagbabago na gagawin ko ngayon mas lalong para sa anak ko,” aniya pa.

Inilipat na si Krista sa Valenzuela City Jail pagkatapos ng kanyang physical examination. Ilang araw din siyang nakapiit sa Camp Karingal, Quezon City pagkatapos maaresto ng nga anti-drug operatives.

Bukod kay Krista Miller, ilan pa sa mga celebrities na nakakulong ngayon dahil sa droga ay sina Sabrina M, dati ring sexy star, Mark Anthony Fernandez at dalawa lang female model.

Read more...