Abusadong pulis, salot sa lipunan

ISA sa sakit sa ulo ng Pangulong Digong ay ang walang disiplinang Philippine National Police (PNP).

Ang ibang malalaking problema ay ang droga at kriminalidad at korapsyon.

Baka gusto ni Mano Digong na isa-isang bigyan ng solusyon in this order: mauna ang droga at kriminalidad, pangalawa ang korapsyon sa gobyerno, at pangatlo ay ang mga abusadong pulis.

Kung mabibigyan ng solusyon ang tatlong problema, President Digong will become the best president this country has ever had.

Ang PNP ay isa sa mga pinakawalang disiplina na organisasyon ng pulisya sa buong mundo.

Karamihan ng pulis sa ating bansa ay may mentalidad na sila ang hari at dapat ay yumuko ang ordinaryong mamamayan kapag sila’y dumaan.

Ang akala ng mga pulis na ito na ang PNP motto, “to serve and protect,” ay walang isang magandang salita lamang which doesn’t apply to them dahil ang mamamayan ang dapat na manilbihan sa kanila.

They think they are above the law.

Nagtatakipan sila sa pagkakamali ng isa’t isa.

Ang akala ba ninyo ay hahantong sa crisis proportions ang problema sa droga sa bansa kung hindi pinagtatakpan ng mga pulis ang kanilang kasamahan na nagbebenta ng nakumpiskang droga o patong sa mga drug pushers?

Nagbibigay si Pangulong Digong ng P2 milyon sa bawat “ninja cop” o pulis na nagbebenta ng nakumpiskang droga.

Kung ang mga mamamayan, dahil sa laki ng reward money, ay magturo sa mga ninja cops, tiyak na maraming pulis ang matatanggal.

Pero kapag sinali ni Digong ang mga pulis na hindi nagsuplong sa kanilang mga kasamahang ninja o yung nagpoprotekta ng drug pushers, mangangalahati ang PNP.

Ang takipan ng kanilang kapwa ay gawain ng mga pulis.

Karamihan ng mga reklamo laban sa mga abusadong pulis ay binabale-wala ng mga units sa loob ng PNP at maging ng National Police Commission (Napolcom).

Halibawa, hindi pa tinitiwalag ng Napolcom ang isang superitendent na pumatay ng 15-anyos na bata na nakita niyang naghahanap ng scraps sa isang abandonadong gusali sa Makati.

Binaril nito na parang baboy ramo ang bata.

Isang senior inspector na nanggahasa ng babaeng may asawa ay nasa serbisyo pa rin.

Isang PO1 o police officer 1, pinakamababang ranggo sa PNP, ang pumatay ng isang teenager na kanyang nakalaban sa isang videoke 16 taon na ang nakararaan pero nadismis lang siya noong isang taon.

Wala nang silbi ang kanyang dismissal last year dahil namatay siya ng cancer.

Ang mga tatlong kaso na nabanggit ay representative lamang ng mga kasong hinawakan ng “Isumbong mo kay Tulfo” na tumulong na maisampa sa mga otoridad.

Isa sa mga kaso ay ang pagbaril sa isang estudyante ng pulis sa Cavite dahil napatingin lang ang bata sa pulis na lumakad ng pasuray-suray.

Naging paralisado na ang estudyante, pero ang kaso laban sa pulis ay hindi pa natatapos.

Ang pinakagrabeng pang-aabuso ng pulis sa sibilyan ay ang pagbaril sa isang crime crusader sa Mindoro.
Pinatay nina Senior Insp. Magdaleno Pimentel at Insp. Markson Alvarez si Zenaida Luz, isang volunteer crime crusader.

Hindi mga ordinaryong pulis sina Pimentel at Alvarez dahil graduates sila ng Philippine National Police Academy (PNPA), counterpart ng Philippine Military Academy (PMA).

Kung bakit nila pinatay ang isang kasamahan nila sa crime-fighting, sila lang ang nakakaalam.

Mas mapapamahal ang taumbayan kay Pangulong Digong kung mawala ang mga pulis na abusado sa pamamagitan ng dismissal from the service o salvage.

Ang mga abusadong pulis ay salot sa lipunan.

Mas malala sila kesa sa mga kriminal at drug dealers dahil ginagamit nila ang kanilang tsapa at uniporme sa paggawa ng krimen.

Read more...