Vic sa pagbubuntis ni Pauleen: Handang-handa naman kami!

pauleen luna and vic sotto

HINDI umeksena si Pauleen Luna sa launching ng bagong endorsement ng kanyang asawang si Vic Sotto na ginanap kamakailan sa Edsa Shangri-La Hotel.

Sinamahan kasi ng TV host-actress si Bossing sa Moms-On-The Go event ng Bounty Agro Ventures, ang operator ng Chooks To Go kung saan ipinakilala nga ang Box-Office comedian bilang bagong celebrity endorser.

Binigyan naman ni Bossing ng special acknowledgement ang asawa na siyang dahilan ng pagkakadiskubre niya sa lasa ng roasted chicken ng Chooks To Go.

“Masarap!” deklara niya sa interview sa kanya ng mga host ng event na sina Camille Prats at Suzie Entrata ng GMA News TV program na Mars.

Para sa working moms ang bagong gimik ng kumpanya. Ang campaign nila ngayon ay, “Hindi ka nag-uuwi ng basta-basta ulam lang!”

Kaya naman sa pagpasok ni Vic bilang endorser, naniniwala ang presidente ng kumpanya na si Ronald Ricaforte Mascarinas na maghi-hit sa mga working moms ang pagbili ng kanilang lechon manok bilang pang-ulam ng pamilya.

So after ng presscon, nagpaunlak naman si Vic ng interview sa entertainmenr media na dumalo sa event. Pansin namin mukhang nahahawa na si Bossing sa pagiging bagets ni Poleng, huh! Ang fresh-fresh kasi ng aura niya at kitang-kita na super happy siya sa piling ni misis.

“Siyempre! Ha! Ha! Ha! Walang masyadong stress. Relax lang at chill!” bagets na bagets na sabi ni Vic.
Sa January, 2017 ay isang taon na silang kasal ni Pauleen. Wala pa ba silang planong magkaanak?

“Nasa plano naman lahat ‘yan. Pero hindi naman namin inaapura. Kung dumating man ang oras na ‘yon ready naman kami. Basta kami ni Poleng, we’re enjoying our togetherness. Masayang may kasama ka uli sa buhay,” rason ni Bossing.

Pareho kasi silang mahilig bumiyahe ni Poleng. Road trip lang eh, masaya na sila. Pero siyempre, pinakamaligaya pa rin para sa kanilang dalawa ‘yung honeymoon nila sa Maldives.

Kailan lang ay nagsama sila sa Bohol. Nauna si Vic pumunta sa probinsya para mag-shooting ng “Enteng Kabisote 10 And The Abangers” at sumunod na sa kaniya roon si Pauleen. Hindi naman daw kasama si Poleng sa movie.

Kinumpirma rin ni Vic na may cameo role sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pelikula. ‘Yung lalabas naman na asawa niya sa pagbabalik ni Enteng Kabisote ay surprise pa raw.

“Sa totoo lang, mahirap itong ginawa namin sa ‘Enteng’ ngayon. Pero masaya. Ibang-iba ito sa mga nagawa ko lalo na nga’t pito ang makikita nilang lalabas na Abangers,” saad pa ng Comedy King.

Bakit biglang nagbago ang isip niya at gumawa uli ng pelikula para sa 2016 MMFF?

“Eh binago kasi nila ‘yung deadline. From September, ginawang October. Hindi ko kaya ‘yung isang buwan lang para matapos ang movie. So sa change na ‘yon, nagawa naming matapos ahead sa deadline ang shooting,” paliwanag ni Bossing.

Kasama rin sa ika-10 installment ng “Enteng Kabisote” ang tatlong lola sa kalyeserye ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Read more...