MM mayor 3 termino nang di makaporma; nangangamuhan pa rin sa dating alkalde

MAY lihim na tampo ang isang local executive sa kanyang political godfather na naging bahagi ng kanyang successful political career.

Hanggang ngayon kasi kahit siya na ang mayor sa kanilang malaking lungsod dito sa Metro Manila ay hindi pa rin niya nagagamit ang pinakamagandang opisina sa kanilang city hall.

Ito ay ang mismong office of the mayor.

Sinabi ng ating Cricket na hanggang ngayon ay nasa “office of the mayor” pa rin ang mga kagamitan ng dating alkalde na political kingpin sa kanilang lugar.

Ang ibig sabihin, kahit siya na ang kasalukuyang mayor sa kanilang bigtime na city ay ang dating mayor pa rin ang umuukopa ng pinaka-malaking opisina sa city hall.

Hindi naman magawang paalisin ng kasalukuyang alkalde ang mga gamit ng dating mayor dahil tumatanaw nga siya ng utang na loob dito.

Bukod pa sa ito rin ang nagpopondo sa kanyang pagtakbo sa panahon ng halalan.

Kundi nga naman siya inendorso nung nakalipas na mga eleksyon ay malamang na matagal ng lugaw ang kanyang political career.

Si Mr. Mayor ay nagtitiyaga na lamang muna sa kanyang dating opisina sa city hall.

Kapag siya’y tinatanong kung bakit hindi pa siya lumilipat sa tunay na “office of the mayor”, lagi niyang ikinakatwiran na may sentimental value raw ang ginagamit niyang tanggapan sa kasalukuyan.

Kaya kahit na atat na atat siyang lumipat ng opisina ay tahimik na lang siya dahil sayang nga naman ang isang termino na mawawala kapag na-offend sa kanya ang dating mayor na itinuturing niyang ninong sa pulitika.

Ang kasalukuyang Metro Manila mayor na sinasarili na lamang ang sama ng loob ay si Mr. B….as in Bawang.
Para sa reaksyon o tanong, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09163025071 o sa 09999858606.

Read more...