Matutupad na ba ang pangarap na makapagbarko?

Sulat mula kay Jonel ng San Nicolas, Toril, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Nag-graduate po ako ng kursong Marine Transportation noong 2015 at sa ngayon ay nag-aaplay ako para makasampa sa barko. Kumpleto naman ako ng mga papeles at marami na rin akong training na na-attenandan, pero bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatawagan ng agency ko? Sa palagay n’yo may pag-asa pa kaya akong makapagbarko? At kung mayroon, kailan naman kaya ito matutupad? Ito po kasi ang pangarap ko sa buhay ko simula pagkabata, ang makapag-barko at makarating sa ibat-ibang lugar. March 14, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Jonel ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing may napakalinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t buo ang iyong loob sa pag-aaplay at hindi ka nawawalan ng pag-asa, sa takdang panahong inilaan ngkapalaran, may isang mabunga at mabiyayang pagbabarkong itatala sa iyong karanasan.
Cartomancy:
Seven of Hearts, Nine of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matutupad ang hangad ng iyong puso. At ang lahat ng iyong mga pangarap na magdadala sa iyo sa isang malaking tagumpay na may kaugnayan sa materyal na bagay.
Itutuloy…

Read more...