Pia Wurtzbach ipaglalaban ang Miss U sa Pinas: Ako ang bahala guys, kalma lang!

PIA WURTZBACH

PIA WURTZBACH

NANGAKO si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga Pinoy na gagawin niya ang lahat para masigurong matutuloy ang Miss Universe dito sa Pilipinas sa January, 2017.

Ito’y matapos ngang mapabalita na posibleng hindi na ang Pilipinas ang mag-host ng nasabing international beauty pageant dahil sa ilang grupo ng kababaihan at kabataan na humaharang dito.

Ngunit kinontra naman ito ng Department of Tourism na nagsabing tuloy na tuloy pa rin ang Miss U sa bansa.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Pia ng mensahe para sa kanyang followers, aniya, “Akong bahala guys. Kalma lang. Ipaglalaban ko ‘yan. I want the competition in my home country!”

Naniniwala si Pia at ang iba pang Pinay beauty queens, pati na rin ang DOT na malaki ang maitutulong sa turismo ng bansa kung dito gagawin ang Miss Universe kaya walang dahilan para hindi ito matuloy.

Read more...