Echoserang female star pinagtatawanan ng mga dating katrabaho

BLIND ITEM FEMALE 0415

SIGURADONG pinagtatawanan lang ngayon ng mga dati niyang katrabaho ang mga kaechosang pinagsasasabi ng isang female personality.

Sabi nga ng iba, bakit ngayon lang, bakit hindi nu’n? Aminado ang babaeng personalidad na miss na miss na kuno niya ang kanyang mga katrabaho at kapaligiran ng kanyang dating tahanan.

Sa isang umpukan ay pinagpistahan siya ng mga dati niyang katrabaho sa nasabing istasyon, hagalpakan sila nang hagalpakan, parang naging komedya ang dating sa kanila ng mga ikinukuda ng girl.

Sabi ng isang source, “Nakakaloka! Sinasabi na nga ba! Kasi naman, ang akala niya sa sarili niya, e, isang reyna! Anong miss na niya ang mga dati niyang katrabaho!

“Alin ang nami-miss niya, ang pagpapahirap sa mga katrabaho niya? Dyusme, ibang klase ang babaeng ‘yun, ang feeling niya, e, siya ang owner ng station!

“Tama bang kung kailan lang niya gustong magtrabaho, e, saka lang magsisimula ang taping niya? Kapag wala siya sa mood dahil pagod na pagod na raw siya sa kawo-work, e, binabara-bara niya ang staff niya?

“’Yun ba ang nami-miss niya ngayon, wala na ba siyang laruan? Trabaho siya nang trabaho, gawa siya nang gawa ng TVC, pero ang nagsa-suffer, e, ang mga kasamahan niya?

“Rolling na dapat sila, pero ayaw pa niya, she’s so pagod pa raw kasi! O, ngayon niya sabihin ‘yan, may work ba siya ngayon? Nasaan na ang ipinagmamalaki niyang work?” inis na kuwento ng isang dating katrabaho ng girl.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pag naman hindi n’yo pa natumbok kung sino ang starring sa kuwentong ito, talaga na lang!

Read more...