True ba, may maimpluwensyang tao sa likod ng katapangan ni Agot?

AGOT ISIDRO

AGOT ISIDRO

TAWA kami nang tawa sa ilang reaksyon ng mga nanonood ng FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan isa sa members ng cast ang kontrobersyal ngayong aktres na si Agot Isidro.

Dahil nga sa nalikhang isyu ng kanyang “psycopath” statement patungkol kay President Rodrigo Duterte, sabog na sabog ngayon ang mga anik-anik na tirada sa ginagampanan niyang role sa serye ni Coco Martin.

Sey ng isang netizen, “Hala, baka epekto iyan ng itinuturok na mga gamot sa kanya ni Valerie Concepcion. Naghahanap siya ng karamay.”

Hirit pa ng iba, “Baka malapit na siyang tsugihin sa serye. Nagpaparamdam lang, kasi since day one ng soap, never namang nagmarka ang role niya. Aguyyy!”

Well, sa mga regular na tumututok sa nasabing soap, alam ninyo marahil ang pinag-uusapan natin dito. Ha-hahaha! Sa mga hindi naman, dedma na lang kayo. Ha-hahaha!

Sa kabilang banda, marami rin naman ang sumuporta kay Agot sa laban niya kay Duterte.

Umapaw din ang paghanga sa kanya ng ilan nating mga kababayan dahil sa kanyang katapangan. Ang mga kapwa niya artistang sinasabing noon pa man ay kaibigan na niya ay never din siyang iniwan sa ere.

Meron din namang mga “tatak-dilaw” na sinamantala din ang isyu para sakyan at kunwaring suportahan siya.

But at the end of the day, kabibiliban mo ang pinaghuhugutan ng aktres na never natinag o naalarma man lang sa pamba-bash sa kanya.

Marami tuloy ang nagtatanong kung sino daw bang “malakas” o “malaking tao” ang sinasandalan niya ngayon para makapagsalita ng ganyan laban sa pangulo? Intriga 101 na naman ‘to! Ha-hahahaha!

At kung meron ngang maimpluwensyang personalidad sa likod ng aktres, ano naman kaya ang motibo nito? Well, your guess is as good as mine.

Read more...