IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pinirmahan nitong Proclamation No. 80 ang buwan ng Oktubre bilang “Volleyball Month” bilang pagsuporta nito sa pagsasagawa sa bansa ng prestihiyosong FIVB Women’s Club World Championship sa nalalapit na Oktubre 18 hanggang 23.
Ipinamahagi kahapon ng Palasyo ng Malacañang sa pamamagitan ni Executive Secretary Eduardo Medialdea ang isang pahina na proklamasyon na nagdedeklara rin sa tulong ng administrasyong Duterte para sa ikatatagumpay ng kada taon na internasyonal na torneo na unang pagkakataon na isasagawa sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES