Dapat pakinggan ni Digong si FVR

NANAWAGAN si Pangulong Digong sa mga mamamayan na isumbong sa mga awtoridad ang “ninja cops” at bibigyan ng malaking gantimpala ang sinuman na makapagtuturo sa ninja cop.

Ang reward sa bawat ninja cop na mahuhuli ay tumataginting na
P2 milyon.

Ang ninja cop ay isang pulis na ipinagbibili ang kanyang nakumpiskang ilegal na droga sa halip na ientrega ito.

Susmaryosep! Mano Digong! Baka maubos ang pondo ng gobyerno sa kabibigay mo ng P2 mil
yon sa bawat ninja cop na mahuhuli.

At baka kumonti ang miyembro ng Philippine National Police (PNP) dahil lubhang napakaraming pulis ang nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot o kaya’y nagbibigay ng proteksiyon sa mga drug syndicates.

Uso kasi sa mga pulis, lalo na yung mga miyembro ng mga illegal drugs units ng bawat presinto, na ipagbili ang kanilang nakumpiskang droga.

Ordinaryo na sa mga pulis ang ganoong masamang gawain.

Ang ibang pulis na hindi nagtitinda ng droga ay alam naman nila ang masamang gawain, pero tumatahimik na lang sila.

In that case, may kasalanan din sila dahil para na ring kinukonsinte nila ang kanilang mga kasamahan.

Dalawa kasi ang pagkakasala: sin of commission and sin of omission.

Ang pulis na nagtitinda ng drogang kanyang nakumpiska ay gumawa ng “sin of commission” at yung nagsasawalang-kibo na lang ay gumawa ng “sin of omission.”
Both are guilty.

Alam kaya ni Pangulong Digong na isa sa kanyang inappoint sa mataas na puwesto sa kanyang administrasyon ay dating ninja cop?

Ang opisyal na ito ay nakahuli ng 500 kilos ng shabu noong siya’y may ranggo na superintendent (equivalent to lieutenant colonel in the Army).

Ang sabi ng may alam tungkol sa opisyal na ito, inintrega lang niya at ng kanyang grupo ang 220 kilos.

Ang karamihan ng huli, 280 kilos, ay ipinagbili niya at ng kanyang mga tauhan sa Visayas.

Umiiskor din daw ang opisyal na ito noong siya ay pulis pa.

Mano, Digong, akina na ang P2 milyon. (Joke)

Ibig kong sabihin, kapag pinaimbestiga ng pangulo ang aking sinasabi, tiyak na marami siyang malalaman tungkol sa opisyal na ito.

Isa na rito ay gumagamit ito ng mga carnap na kotse.

Kung gusto ng pangulo na imbestigahan ang background ng opisyal na ito ay umpisahan niya sa kanyang mga naging kasama o tauhan sa PNP.

Maraming may alam sa gawain ng mataas na opisyal na ito noong siya’y nasa PNP pa.

Ang litrato sa front page kahapon ng Philippine Daily Inquirer, sister newspaper ng Bandera, ay nakakaiyak.

Makikita sa litrato na dalawang US marines ang nagtutupi ng US flag, tanda ng pagtatapos ng war games na sinalihan ng mga sundalo ng America at Pilipinas.

May mas malalim na kahulugan ang senaryong yun: ang pag-aalsa balutan ng America sa bansa.

Itinaboy na kasi ni Pangulong Digong ang mga sundalong Amerikano sa Mindanao dahil sa pakikialam ng US sa war on drugs ni Digong.

Minura ni Digong si President Barack Obama dahil sa pakikialam nito sa diskarte ng lider ng bansa na lipulin ang mga drug pushers at traffickers sa bansa.

Maibabalik lang ang matamis na samahan ng America at Pilipinas kapag igagalang ng una ang soberenya ng ating bansa.

Dapat kasi ay itigil na ng America ang pagtingin sa atin na mga “little brown brothers” at ituring tayo na kapantay nila.

Pero dapat ay makinig din si Pangulong Digong kay dating pangulo at ngayon ay elder statesman na si Fidel V. Ramos tungkol sa relasyon natin sa US.

“What gives? Are we throwing away decades of military partnership, tactical proficiency, compatible weaponry, predictable logistics and soldier-to-soldier camaraderie just like that?” sabi ni Mr. Ramos sa kanyang column sa Manila Bulletin.

Dapat ay isip-isipin ni Pangulong Digong ang sinabing yun ni Mr. Ramos.

Read more...