Christian, Julie Anne parehong maligaya ang lovelife

julie anne san jose and christian bautista

MAGSASAMA sa unang pagkakataon ang dalawa sa Asia’s talented performers sa concert stage sa Nov. 11 sa KIA Theater – sina Christian Bautista at Julie Ann San Jose na may titulong “When Julie Meet Christian.”

Nagkasama na ng ilang beses sa mga production number sina Julie Anne at Christian sa GMA variety shows pero ngayon lang talaga sila magko-collaborate sa isang major concert.

“Kaya it’s a dream come true na makasama sa concert si Christian,” sambit Julie Anne sa presscon ng “When Julie Meet Christian.”

“Hindi na niya ako tatawaging Kuya ngayon! Ha! Ha! Ha!” tugon naman ni Christian.

Kapwa produkto ng singing search ang dalawang Kapuso artists. Pinasok ang recording scene at nagtagumpay. Umakting na rin at nagsagawa na ng kanya-kanyang concerts.

Ayon kay Christian, ‘yung pagsasama nila sa unang pagkakataon ang maging bentahe ng concert. Imagine, siya ang Asia’s Romantic Balladeer habang si Julie Anne ang Asia’s Pop Sweetheart, huh! So world class na world class ang stature nila ngayon kaya swak na swak talaga sila sa isa’t isa.

Biro ni Christian, si Benjamin Alves ang unang bumili tickets sa concert nila ni Julie Anne. Si Benjamin ang rumored boyfriend ngayon ni Julie Anne at naipakilala na rin daw nila ang isa’t isa sa kanilang mga pamilya.

Kaya pakiusap ng dalawa, huwag na silang iugnay sa isa’t isa dahil may kanya-kanya na silang inspirasyon.

Mula sa DreamStar Events Management at GMA Network ang “When Julie Anne Meets Christian”, at mabibili na ang ticket sa Ticketnet.

Read more...