Dick Israel pumanaw na sa edad na 68

dick israel

PUMANAW nitong Martes ng gabi ang veteran actor na si Dick Israel, o Ricardo Vizcarra sa tunay na buhay, dahil sa cardiac arrest. Siya ay 68 years old.

Una itong ibinalita ng aktres na si Vivian Velez sa kanyang Facebook account. Isa si Vivian sa mga celebrities na tumutulong kay Dick simula nang ito ay magkasakit at noong masunugan ito kamakailan sa Caloocan.

Nakilala ang aktor noon bilang kontrabida at sidekick ng mga malalaking action star sa mga pelikula. Nakagawa siya ng mahigit 200 pelikula at nakasama rin sa ilang teleserye sa TV.

Tumigil sa pag-arte si Dick nang ma-stroke noong 2010 ngunit nagtrabaho uli nang bumuti na ang kundisyon. Huli siyang napanood sa pelikulang “Boy Golden” noong 2013.

Read more...