Kabaklaan sa teleserye ng JaDine tinututukan ng LGBT community

nadine lustre at james reid

MARAMI ang nagsasabi na hindi raw masyadong kinagat ng JaDine fans ang “gay” angle sa kuwento ng seryeng Till I Met You, kaya medyo sakto lang daw ang nakukuha nitong rating.

But we beg to disagree dahil sa totoo lang, isa nga yun sa nagbibigay kulay at pagiging totoo ng soap. At talagang tinututukan din ito ng LGBT community.

Never namang pinilit sa kuwento ang naturang anggulo lalo pa’t kailangan ito sa istorya at sa husay at gwapo ni JC Santos, kahit kami ay mas mababakla pa sa kanya. Ha-hahaha!

Kaya naman big welcome treat talaga ang pagpasok ng eksenang magkakaroon na rin ito ng kapartner na gagampanan ni Prince Stefan. Dating GMA artist ang aktor at napakalaling break nito for him.

Mukha namang maitatawid ito ni Prince. Ang tanong na lang, hindi kaya sa totoong buhay ay landiin niya ang papa JC namin pati na ang ating super hunk na si papa James Reid. Ha-hahaha!
Sasabunutan namin talaga siya nang bonggang-bongga! Ha-hahaha!

Read more...