Lovi, Tom, Max makikisaya sa Masskara Festival sa Bacolod

lovi tom at max

EXTRA special ang pagdiriwang ng Masskara Festival ngayong taon dahil makikisaya ang mga bida ng top-rating GMA Telebabad shows sa Bacolod City para sa isang back-to-back Kapuso Mall Shows.

Ngayong Biyernes, lilipad patungong “City of Smiles” ang cast ng Someone To Watch Over Me. Break muna ang Kapuso actors na sina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Max Collins mula sa kanilang drama series upang makipag-bonding sa kanilang Negrense fans. Mapapanood sila sa isang Kapuso Mall Show sa SM City Bacolod Main Atrium, 5 p.m..

Sa susunod na Sabado naman (Oct. 22), magsasabog ng kasiyahan ang mga bida ng number one telefantasya na Encantadia. Magsasama-sama sina Sanya Lopez, Rocco Nacino, Klea Pineda at Migo Adecer sa isang Kapuso Mall Show sa SM City Bacolod Main Atrium, 5 p.m..

Patuloy na pinalalakas ng dalawang programa ang primetime block ng GMA 7.

Sa huling data ng pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement, ang Encantadia ang naitalang highest-rating Kapuso show sa mga pinaka-tinututukang programa sa NUTAM.

Samantala, hindi rin paaawat ang Someone To Watch Over Me sa GMA Telebabad dahil lalong dumarami ang mga Pinoy na sumusubaybay sa nakakaantig na kuwento nina TJ (Tom), Joanna (Lovi), at Irene (Max). Sa nasabing palabas, si TJ ay may “early-onset Alzheimer’s disease”. Asawa niya rito si Joanna, at ex-girlfriend naman si Irene.

Read more...