TINATAYANG 22 babaeng estudyante ng San Pascual Academy (SPA) sa Barangay San Pascual, Ubay, Bohol ang dinala sa isang lokal na simbahan at ang ilan ay sa ospital matapos umanong sapian sa loob ng kanilang klase kaninang umaga.
Sinabi ni Barangay San Pascual Chairman Renato Alacida na nagsimulang magpakita ng kakatwang kilos ang mga mag-aaral ganap na alas-9 ng umaga sa loob ng kanilang silid-aralan.
Idinagdag ni Alacida karamihan ng mga sinapian ay mag-aaral sa grade 7, 8, 10, at 11.
Sinabi ni Hans Atup, empleyado sa Ubay mayor’s office na dinala ang mga mag-aaral sa kalapit na San Pascual Church kung saan sila dinasalan.
Aniya, personal pang pumunta si Ubay Mayor Constantino Reyes para makita ang sitwasyon.
“Nangaluya naman sige siyagit unya mingtaas ilang blood pressure (They became weak after shouting and their blood pressure increased),” sabi ni Atup.
Ang SPA ay isang Catholic school at itinayo sa 1968.
Sinabi ng mga residente ng Barangay San Pascual na sinapian umano ang mga bata matapos putulin ang isang puno ng gmelina sa loob ng paaralan.