MRT dalawang beses nagkaaberya

MRT

MRT

Dalawang beses nagka-aberya kaninang umaga ang Metro Rail Transit Line 3.

     Nagka-aberya ang north bound train ng MRT alas-8:27 ng umaga. Kinailangang pababain ang mga pasahero sa Magallanes station.
     Alas-8:31 ng umaga ng maayos ang problema.
     Kinailangan ding pababain ang mga pasahero ng tren na patungo sa Taft Avenue station alas-9:14 ng umaga sa Guadalupe station.
     Wala pang isang minuto makalipas ay naayos din ang problema at pinasakay muli ang mga pasahero.

Read more...