Nanatiling mataas ang approval rating ni Pangulong Duterte ayon sa survey ng Pulse Asia Research.
Pero ang 86 porsyentong nakuha ni Duterte sa survey noong Setyembre at mas mababa sa 91 porsyento na naitala nito sa survey noong Hulyo.
Nakapagtala naman ng 3 porsyentong distrust si Duterte sa huling survey kumpara sa 0.2 porsyentong naitala noong Hulyo.
Ang undecided ay 11 porsyento mula sa walong porsyento.
Pinakamataas ang trust rating na nakuha ni Duterte sa Mindanao na naitala sa 96 porsyento (mula sa 97 porsyento noong Hulyo); sumunod ang Visayas na nasa 86 porsyento (mula sa 89); iba pang bahagi ng Luzon ay 82 porsyento (mula sa 89) at National Capital Region 81 porsyento (mula sa 91).
Pinakamalaki ang ibinaba ng trust rating ni Duterte sa NCR na naitala sa 11 porsyento.
Ang survey ay ginawa mula Setyembre 25 hanggang Oktobre 1. Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents na pawang mga 18 taong gulang pataas mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito ay may error of margin na plus/minus 3.
MOST READ
LATEST STORIES