Cesar Montano sa mga artista na adik, pusher: Sumuko na kayo agad!

CESAR MONTANO

CESAR MONTANO

HINIHIKAYAT ni Cesar Montano ang mga kapwa-artista na involved sa drugs na sumuko na agad,

“Dapat sumuko na sila nang maaga. Kasi hindi naman na-late ng advise ang ating presidente.

“Sabi nila sumuko na kayo. Ngayon nasa kanila na ‘yun kung matigas ang ulo nila. Nasa kanila na ‘yun kung magmamatapang sila. Nasa kanila na ‘yun kung mapapahiya sila,” aniya pa.

Tinanong din si Cesar kung ano ang reaksiyon niya sa pagsasapubliko ng mga artistang nasa Duterte celebrity drug list, ang kanyang tugon: “Well, we’re living in the same country and our leaders, like our president nakikita natin na parehas ang kanyang treatment sa lahat. I trusted him at hanggang ngayon, dahil siya ang nakita kong leader, dapat pagkatiwalaan ko siya,” sey pa ni Buboy.

Ayaw namang mag-react pa ni Buboy sa pagkakaaresto ng starlet na si Krista Miller na una nang iniugnay sa kanya.

Read more...