Nabasa namin nang buo ang mensaheng halos yumurak-yurak na sa kanyang pagkaina kay Andi. Siya raw ang dapat ipako sa krus sa lahat ng mga pangyayaring ito dahil hindi niya pinalaki nang maayos ang kanyang anak.
Pinabayaan lang daw niya si Andi sa mga kalokohan nito, kasama na ang pakikisiping sa iba-ibang lalaki, kaya ang naging resulta ay ang pagpapahulaan kung sino ang tunay na ama ng bata.
Pinakamasakit para kay Jaclyn ang tawaging whore ang kanyang anak, sa kolokyal na salita, puta. Walang inang mauupo lang sa isang sulok kapag ganu’ng paglalarawan na ang ikinapit sa kayang mahal na anak.
Nagbanta si Jaclyn na babalikan niya ang basher, nanawagan siya sa DOLE dahil pati ang kanyang apong si Ellie ay idinadamay na nito sa pagsasabing ang bata ang maka-karma sa paglaki nito, galit na galit ang aktres.
Maiintindihan natin na pampublikong pigura sina Jaclyn at Andi, kaya nanghihimasok ang marami sa kanilang personal na buhay, pero sana naman ay magdahan-dahan din ang mga nakikisali sa usapan sa paggamit ng mga salitang sumusugat sa puso ng kanilang pinatutungkulan.
Sana’y mag-isip naman muna ang mga ito bago tuluyang i-click ang kanilang makina.
Jackyln wasak na wasak nang tawaging ‘whore’ ang anak na si Andi
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...