Aktor na si John Wayne Sace sugatan; kaibigan patay sa pamamaril dahil sa droga

SUGATAN ang dating teen star na si John Wayne Sace, habang patay naman ang kasamahan nito, na parehong iniuugnay sa paggamit ng ilegal na droga, matapos silang pagbabarilin Lunes ng gabi sa Pasig City.

Patuloy na inoobserbahan ngayon si Sace, 27, sa ospital.

Kinilala naman nito ang kasamang nasawi na si Erik “Erik Mata” Sabino, na kapwa residente ng Feliciano st, barangay Sagad, Pasig.

Ayon ka Senior Superintendent Orlando Yebra, Jr., Pasig police chief,  naghihintay ang dalawa sa kanilang kaibigan alas 11:10 p.m. nang sumulpot ang mga hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo at makailang beses silang pinaputukan ng baril sa Dr. Sixto Antonio avenue sa Col. Licsi Street sa barangay Caniogan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang dalawang biktima ay isinugod sa Rizal Medical Center ng mga rumespondeng pulis.

Hindi na umabot nang buhay si Sabino sa ospital dahil sa ilang tama ng bala sa katawan, habang si Sace naman ay sugatan dahil sa tama ng bala sa bewang.

Ayon kay Yebra. sina Wace at Sabino ay kabilang sa barangay’s drug watch list, na hinihinnalang gumagamit at nagbebenta rin ng droga.

Si Sace, na miyembro ng Star Magic, ay regular artist ng ABS CBN TV series “Guns and Roses” noong 2011.  Kabilang din siya sa nabuwag na ASAP’s  dance group na Anime, at lumabas sa indie film na “Pintakasi” kasama si JM
de Guzman at Erich Gonzales.

Read more: https://bandera.inquirer.net/133924/133924#ixzz4MnPL0l99
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Read more...