DOT itutuloy pa rin ang Miss Universe sa Pinas kahit may mga kumokontra

LAS VEGAS, NV - DECEMBER 20: Miss Philippines 2015, Pia Alonzo Wurtzbach (C), who was mistakenly named as First Runner-up reacts with other contestants after being named the 2015 Miss Universe during the 2015 Miss Universe Pageant at The Axis at Planet Hollywood Resort & Casino on December 20, 2015 in Las Vegas, Nevada.   Ethan Miller/Getty Images/AFP

DESIDIDO ang Department of Tourism na ituloy ang pagho-host ng Miss Universe pageant sa Pilipinas kahit na may mga grupong nagpepetisyon na sa ibang bansa na lamang ganapin ang nasabing international beauty pageant.
Kanina naglabas ng official statement ang DOT bilang sagot sa mga petitioners na humihikayat sa Miss Universe organizing committee na iurong na ang pagsasagawa ng beauty pageant sa bansa.
Ayon sa mga ito, kapag natuloy ang Miss U sa bansa sa darating na January, 2017, magsisilbi lang daw itong “reward to what we believe was the objectionable, scandalous, and demeaning sexist attitude demonstrated by the newly elected leaders of our country, by no less than President Rodrigo Duterte, and his cohorts towards womankind.”
Ngunit hindi nga naniniwala rito ang Tourism Department dahil suportado raw ng maraming sektor ng pamahalaan na dito ganapin ang Miss U, kabilang na ang mga grupo ng mga kabataan at kababaihan.
“While the DOT gives due respect to such opinion as signified by a group of women leaders and concerned citizens, we assure everyone that we deem it a great honor to host the distinguished event that portray the most beautiful and talented women with highest regard,” sabi pa sa official statement ng DOT.
Marami ang naniniwala, kabilang na ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach na malaki ang maitutulong ng pagsasagawa ng Miss U sa Pilipinas lalo na sa tourism industry.
Aniya, isa itong golden opportunity para sa bansa na dapat nating samantalahin. Bihira lang naman daw itong mangyari sa Pilipinas kaya umaasa si Pia na sa kabila ng mga nabanggit na petisyon ay matutuloy pa rin ang nasabing beauty pageant sa bansa.

Read more: https://bandera.inquirer.net/133918/dot-itutuloy-pa-rin-ang-miss-universe-sa-pinas-kahit-may-mga-kumokontra#ixzz4MnOTUmxr
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Read more...