Sino ang pipiliin sa dalawang BF? (2)

Sulat mula kay Camile ng Washington, Surigao City, Surigao del Norte
Problema:
1. Naguguluhan ako sa ngayon kasi dalawa ang boyfriend ko na pareho kong mahal kaya nahihiran akong mamili kung sino ang dapat kong panatiliin sa kanila. Sa totoo lang kung dalawa lang ang psuo ko pareho ko silang iibigin at pakakasalan, kasi pareho silang mabait at mabuti sa akin, ang kaso iisa lang ang puso ko. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, kasi sa edad kong 25 na sa darating na November 10, gusto ko na sanang mag-asawa next year.
2. Sa palagay nyo sino sa dalawang boyfriend ko ang dapat kong piliin at pakasalan. Ang una po ay tawagin na lang natinbg Mr. Aquarius na isinilang noong February 12, 1989 at ang ikalawa naman po ay si Mr. Cancer na isinilang noong July 7, 1990, habang November 10, 1991 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Camile ng Surigao  del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ayon sa zodiac sign mong Scorpio, (Illustration 2.) ang nagsasabing ang tunay at talagang ka-compatible mo sa dalawang boyfriend mo ay si Mr. Cancer na isinilang nnoong July 7, 1990, sapagkat ang Cancer at Scorpio ay nagtataglay ng iisang element – ang elementong water o tubig. Ibig sabihin, kapag siya ang napangasawa mo, magkakasundo kayo at magiging maligaya ang inyong relasyon.
Numerology:
Kung ano ang sinasabi ng Astrology halos ganon din ang sinasabi ng Numerology kung saan, ang birth date mong 10 na isang strong number ay tugma at maganda namang isama sa birth date na 7 ni Mr. Cancer, na isang week number. Kung saan ang pagsasama ng birth date na 10 at 7 ay lagi ng itinatalang maunlad, maligaya at masagana.
Luscher Color Test:
Kung sino sa dalawang manliligaw mo ang madalas magsuot ng berde at dilaw, tiyak ang magaganap ang lalaking nabanggit ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.
Huling payo at paalala:
Camile ayon sa iyong kapalaran, ang makakatuluyan mo sa dalawang boyfriend mo ay si Mr. Cancer. Ang nasabing pag-aasawa ay nakatakdang maganap sa susunod na taong 2017 o kaya’y sa taong 2018 sa edad mong 26 pataas, kung saan, ang nasabing pag-aasawa ay mamumunga ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay na ngang pagpapamilya.

Read more...