Ipinag-utos ng House committee on justice ang pag-aresto kay Ronnie Dayan, ang driver-bodyguard na iniuugnay kay Justice Sec. Leila de Lima at sa sindikatong nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng New Bilibid Prison.
Ayon kay House majority leader at Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas kailangan lamang ng siyam na boto upang ma-cite in contempt si Dayan kaugnay ng pagkabigo nito na dumalo sa pagdinig ng komite.
Si Farinas ang naghain ng mosyon na i-cite in contempt si Dayan na sinasabi ring lover ni de Lima. Sa mga naunang pagdinig ay sinabi ni Jeonel Sanchez na mayroong dalawang sex video ang dalawa.
Labing dalawang miyembro ang bumoto pabor sa mosyon.
“It is quite clear that 12 of the members stood in favor of the motion and considering that the minimum requirement is only nine as previously stated the motion is carried and Ronnie Dayan is therefore being held in contempt before this committee and correspondingly a warrant or an arrest warrant be issued against him to compel his presence before this committee to testify as regards to the materiality of all the allegations stated against him before this committee,” saad ni Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon na presiding officer ng pagdinig.
Noong nakaraang linggo ay inhuman na ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa kay Dayan subalit binawi ito ng komite at binigyan ng 24 oras para makapagpaliwanag kung bakit hindi siya sumipot sa pagdinig.
MOST READ
LATEST STORIES