La Oro kinontra si Agot, ipinagtanggol si Digong

elizabeth oropesa at agot isidro

TILA ang mga artista na ngayon ang nag-aaway-away dahil sa uri ng pamamahala ni Rodrigo Duterte bilang pangulo ng Pilipinas.

Kung merong kumampi sa singer-actress na si Agot Isidro sa pagtawag nitong “psycopath” kay Digong, meron ding ilang celebrities na kumontra sa kanya. Grabe ang pamba-bash ng mga Duterte fans ngayon kay Agot, as in kulang na lang ay balatan nila ito ng buhay dahil sa sobrang galit.

May isang netizen pa nga ang nagsabing, “Patay kang Agot ka! Hindi mo alam kung sino ang kinalaban mo! Ngayon, tikman mo kung paano gumanti ang mga maka-Duterte!”

Isang internet user naman ang nag-back story tungkol sa balitang nagpatingin daw si Agot sa isang psychiatrist noong 2013, aniya pa, “One that has been seeking help of a psychiatrist doesnt have d license to diagnose one #AgotIsidro!”

Isa sa mga local celebrities na hindi sumang-ayon sa mga sinabi ni Agot ay ang veteran actress na si si Elizabeth Oropesa.

Nag-post ng kanyang litrato sa Facebook ang aktres na may caption na, “One of the 16 million psycopath.” Sa photo naman na in-upload niya sa FB ay suot niya ang statement shirt na may nakasulat na, “It’s a Duterte thing you wouldn’t understand.”

Read more...