Sikat at matangkad na female celebrity tinawag na ‘adik’

BLIND ITEM  FEMALE 0318

AYON sa kanyang mga nakakasama-nakakatrabaho ay parang hindi mabubuhay ang isang pamosong female personality kapag hindi siya nakapagbabad sa social media.

‘Yun na kuno ang iniikutan ng buhay ng babaeng kilala, matangkad at maganda sa buong maghapon, ang gamitin ang lahat ng kanyang social media accounts, ang ipaglantaran ang mga larawan niya na kuha sa kung saan-saang lupalop ng mundo.

Adiktus sa social media ang tawag sa kanya ng mga kasamahan niya, sumasakit kuno ang ulo ng magandang babae kapag walang pinag-uusapan tungkol sa kanya, ganu’n na pala siya kasidhi sa teknolohiya.

Sabi ng isang source na nakakasama ng matangkad na babae, “Kahit ano na lang, kinukunan niya ng picture. Addict! Food, sapatos, kahit yata nananahimik na sahig, kukunan pa rin niya para lang i-post sa IG niya!

“Nakakaloka siya! Kapag may nakita siyang malaking puno, pose na kaagad siya, kapag may ihinaing pagkain sa mesa, picture na agad siya! Para siyang timang!” napapailing na kuwento ng impormante.

Kahit saan daw magpunta ang babaeng may sunung-sunong na korona ay abalang-abala siya sa kapi-picture, lahat ng madaanan niya ay hindi nakaliligtas, grabe na nga ang kalokahan ng naturang babae sa social media.

“Sobrang OA na siya, ha? Kulang na lang na pati hangin na hindi natin nakikita, e, piktyuran na rin niya! Halos wala na siyang nagagawa sa maghapon dahil sa kapi-picture niya ng mga nakikita niya!

“Naku, selfie siya nang selfie, nakakatakot ang mga pinaggagagawa niya. Baka kasi sa kase-selfie niya, e, bigla na lang siyang mahulog sa mataas na building!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, payuhan n’yo ang babaeng ito to watch her back! Baka mahulog siya sa kase-selfie!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Read more...