Matteo magaling mag-alaga ng girlfriend; Sarah G. mas lalong naging sexy at yummy

sarah geronimo at matteo guidicelli

NAPANOOD naman namin noong Sunday sa ASAP20 ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Grabe pero sobrang ibang-iba na ang aura ng singer-actress what with her “yayamihin look” (read: yummy) and very sexy and alluring appeal.

Mukhang napaka-positive nga ng resulta ng ibinibigay na pag-alaga sa kanya ni Matteo Guidicelli. Sosyal na sosyal at hindi pilit ang kanyang natural na ganda.

Mas pumayat pa si Sarah, nagkaroon ng leeg na mala-ramp model, nawala ang puson, humaba ang legs, at mapapa-wow ka talaga kapag iginalaw na niya ang kanyang mahabang buhok.

Never natin itong nakita kay Sarah even during the height of her “intense” romances with her previous boyfriends. Iba ka talaga Matteo! Ha-hahaha!

Pero napuna lang namin ha, tila bumaba na ang boses ng Pop Princess? Although nandoon pa rin ang distinct quality ng kanyang boses, pero pagdating sa high notes, hindi na ganu’n katindi ang kanyang pagbirit. Ito kaya ang side effect ng kanyang pagpapaseksi?

Read more...