Coco bumawi kay Julia, nag-date sa sosyal na resto sa Araneta

julia montes at coco martin

MAY ka-Chismacker kaming nagtatanong kung totoo ba ang eksena kung saan namataan diumano sina Coco Martin at Julia Montes sa isang medyo high-end resto sa may bandang Araneta Center last weekend?

Masayang magkasama raw ang rumored couple, hours before the successful “Pasasalamat Concert” ng FPJ’s Ang Probinsyano na ginanap last Saturday sa Big Dome.

Some few weeks back, nai-report natin dito na dahil nga sa kapwa busy nilang mga schedule ay hindi na halos nagkikita sina Coco at Julia. Kaya nga lumabas ang tsismis na tila mauudlot pa yata ang magandang relasyon ng dalawang Kapamilya stars.

Kung totoo man ito kapatid na Ervin, tiyak naming marami ang matutuwa dahil finally ay nagkaroon na sila ng time para sa isa’t isa. Baka bumawi lang si Coco kay Julia dahil nga subsob na subsob ito sa taping ng Probinsyano.

Read more...