Pakiusap ni Megan: Wag silang pagkumparahin ni Catriona

megan at catriona

MARAMING nagkukumpara ngayon kina 2016 Miss World Catriona Gray at Miss World 2013 Megan Young. Malaki raw kasi ang pagkakahawig nila at pareho rin daw sila ng style sa pagsagot sa question and answer.

Masaya si Megan sa pagkakapanalo ni Catriona pero nakiusap siya na huwag na silang ikumpara dahil naniniwala siyang may iba ring personality ang bagong Miss World Philippines.

“I think Catriona is her own person and I think she can be the next Catriona Gray. I always tell girls that I meet na as much as it’s great to become someone, make sure that your goal is to be the best you.

Like before when people would tell me be like this person I would tell them, ‘No I’m going to be the next Ms. Megan Young!’

“So parang that should be the driving force for the next Catriona Gray. Para she can become her own person and I think there are so many good qualities about her that are so different from me as well also. So I guess parang maybe styling wise we may have some similarities. She’s such a nice person.

“She’s so beautiful but I know that once people start seeing her as Catriona then she’ll shine even more,” ang pahayag ng Kapuso actress sa isang panayam.

Si Catriona ang magiging representative ng Pilipinas sa 2016 Miss World na gaganapin sa Washington D.C. ngayong December, at nang tanungin kung may tips ba siyang maibibigay sa dalaga, ito ang naging tugon ni Megan, “Get lots of rest because it’s going to be tough. Like before I left also for Bali before I’m sure you know na grabe yung media coverage namin for that.

“But she has a good Beauty with a Purpose project so she should just continue to do that and of course to prepare mentally, physically, and emotionally for when she gets there. It’s tough when you’re there,” paliwanag pa ng dalaga sa nasabing interview.

Samantala, mas lalo pa raw nai-inspire ngayon sa taping ng GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood si Megan dahil sa patuloy na pagtaas ng nakukuha nilang rating gabi-gabi.

Agree siya sa sinabi ng leading man niya sa serye na si Dingdong Dantes na napakalaking blessing nito para sa kanilang lahat na kasama sa programa. Ani Megan, napakarami pang mangyayari sa Alyas Robin Hood dahil ngayon pa lang daw nagsisimula ang adventure at pakikipagsapalaran ni Pepe (Dingdong) para sa katotohanan.

Kamakailan ay masayang ibinalia ng Kapuso Primetime King na sa mga susunod na episode ng Alyas Robin Hood ay mapapanood na ang guesting ng mga Kapuso stars.

“Abangan nila ang mga bigla na lang magge-guest na mga paborito nilang mga Kapuso stars. Hindi pa namin puwedeng sabihin kung sinu-sino para may surprise,” bitin pang kuwento ng aktor.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Alyas Robin Hood ngayong gabi, nakawala na rin si Judy (Jaclyn Jose) matapos malaman ni Adelita (Tanya Gomez) na patay na talaga si Pepe. Pero masa-shock siya nang biglang magpakita sa kanya si Pepe.

Adelita tells him na maraming malalaking isda ang papatay sa kanya. Mapapaisip si Pepe. Manghihina. Kukuyugin naman si Adelita ng zombies. Papasok ang mga pulis to save Adelita from the zombies attacking her pero maging sila ay aatakihin ng zombies.

Babalik naman si Alyas Robinhood sa kotse ni Venus (Andrea Torres) kung saan nandu’n din si Jekjek (Gio Alvarez).

Read more...