Agusan nilindol

esperanza, agusan sur
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.4 ang Agusan del Norte kagabi.
     Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:39 ng gabi.
     Ang sentro nito ay natunton pitong kilometro sa kanluran ng bayan ng Tubay. May lalim itong isang kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
     Nagresulta ito sa paggalaw na may lakas na Intensity IV sa Surigao City at Intensity III sa Butuan City.
     Walang inaasahang aftershock at pinsala ang paggalaw na ito.

Read more...