True ba, Sunshine, utol ni Ara magdyowa na?

sunshine cruz at macky

WALA pang iniisyung official statement ang estranged wife ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz tungkol sa kumalat na litrato nila ng kapatid na lalaki ni Ara Mina.

Makikita sa viral photo na magka-holding hands habang naglalakad sa isang lugar sa Taguig sina Sunshine at Macky Mathay kaya naman agad nag-speculate ang ilang netizens na posibleng may relasyon na raw ang dalawa.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, si Macky ay utol ni Ara Mina at kasal kay Camille Farinas, anak ni Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas. Pero ayon sa kumalat na chika noon, matagal na raw naghiwalay ang mag-asawa.

Kamakailan, sa Instagram account ni Macky, nag-post ito ng photo na kuha sa isang event, kasama sina Sunshine at Ara. Magkatabi sa litrato sina Macky at Sunshine pero wala namang makikita kakaiba sa kanilang kuha.

Maraming followers si Sunshine sa social media ang nagtatanong kung may relasyon na ba sila ni Macky o kung nanliligaw ba ito sa kanya. Pero habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring paramdam ang nakahiwalay na asawa ni Cesar.

Kung matatandaan, ilang beses sinabi ni Sunshine na hindi pa siya handang pumasok sa bagong relasyon, mas priority daw niya ngayon ang mga anak. Pero kung totoo mang sila na ng utol ni Ara, wala rin namang masama dahil matagal na rin silang wala ni Buboy.

 

Read more...